Kisapmata is a 1981 Filipino classic film by Mike de Leon, starred by Vic Silayan, Charito Solis, Charo Santos, and Jay Ilagan. It was based on 1968 article entitled "The House on Zapote Street" by Nick Joaquin. Mike de Leon has been a great director for his award winning films like Batch '81 (1982) and Sister Stella L. (1984). Most of his movies were about social and political issues: incest, murder, and brutality. Kisapmata is one of the best Filipino films I’ve ever seen, since I’m really into horror/psycho genre of film. I like how de Leon manage his actors to act naturally and different. They were really great in how they throw lines and their reaction in every situation. For it’s such a great film, it won a total of 8 Gawan Urian Awards and received 1 FAMAS award nomination.
I got the chance to watched this film this past Tuesday sa youtube lang. At dahil ako lang magisa, I felt weird and eerie. Parang may kaba, takot, pangamba yung naramdaman ko. Kasi iba yung aura ng pelikula, sa unang scene pa lang, mapapansin mo na yung ilangan sa pagitan ng pamilya. Lalo na kapag naguusap sila, madalang at madalas iba yung tingin nila sa isa’t isa. While, yung exterior at interior design ng bahay, malalaman mo na hindi masayang pamilya yung nakatira don. Isama pa natin yung musical scoring nito, na lalong nagpapadagdag ng kaba sa’yo. Feeling ko tuloy, nandon na din ako sa pelikula, dahil nadadala ako masyado ng emosyon ko. At ito yung isa sa mga dahilan kung bakit ko nasabing napakahusay nung pag direk ni Mike de leon.
Humanga din ako sa mga gumanap sa pelikula, lalong lalo na kay Vic Silayan o si Sgt. Diosdado Carandang. Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako sa kanya sa t’wing nagmumura sya “ukininam”. Ang galing, very effective yung pag-arte nya. Nakakatakot syang maging ama. Buti nga at natitiis pa sya ng asawa nyang si Charito Solis as Adelina Carandang, na kung saan isa pang nakakagalit dahil hanggang ngayon nagpapaka martyr pa. Na kung ano ang puno sya din ang bunga na nagmana itong si Charo Santos as Milagros Carandang sa pagiging mapagtiis din nito. Samantalang si Jay Ilagan as Noel Manalansan, ang napangasawa ni Mila, ay dumating sa buhay nilang maganak ay nagdala ng higit na pasakit at pagsubok sa kanilang buhay.
Masasabi kong mahusay yung pagkuha ng mga simbolismo, reaksyon at galaw ng mga artista. Yung katahimikan, kadiliman ng lugar, yung galit, lungkot, kasamaan na makikita sa pelikula.
Nakakalungkot nga lang isipin na sa panahon natin ngayon ay wala ng ganitong klaseng pelikula na magmumulat sa mga mata ng mamamayan na may mga ganitong problema na dapat pagusapan at bigyan ng pansin para masolusyunan na sa bawat pamilya may nakakaranas ng kalupitan at kaharasan.
0 comments:
Post a Comment