“Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Nasa puso nating lahat! Tayo ang gumagawa ng himala! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga diyos! Walang himala!” – Elsa
Sino bang hindi makakakilala nito? Halos lahat ng Pilipino alam ang mga linya na ito. Ang Himala (1982) sa direksyon ni Ishmael Bernal at sa panulat ni Ricky Lee ay isa sa mga mahusay na pelikulang Pilipno. Sa pangunguna ni Nora Aunor bilang Elisa sa Himala, masasabi kong lubos ang paghanga ko sa kanya. Dahil ito yung unang pelikula na nakita ko sya. Maraming beses ko na itong napanood, pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na umpisahan hanggang sa matapos ito. Kaya masaya ako na ipinalabas sya sa Film Criticism, kaya lang hindi naman namin sya natapos, dahil nagha-hang, kaya nabitin talaga ako.
Maganda ang story, at mahusay ang pagkakalapat nito, mula sa script hanggang sa pagbuo ng pelikula. Unpredictable at medyo may pagka mysterious din. Nakaramdam na naman ako ng takot gaya ng kisapmata. Dahil sa scoring nito, sa lugar, at maging aura ng pelikula. Mahusay yung casting. Nagalingan ako sa mga artistang gumanap. Dahil may koneksyong nabubuo, mula sa mga manonood. Magaling din ang mga nasa likod nito, ang production team. Magaling yung pagbuo ng mga extra’s. makikita mo talaga yung hirap ng buhay sa bayan ng Cupang. Ang mga matatanda, na halos hirap na dahil sa katandaan, ang mga may kapansanan, at may mga malulubhang sakit. Sa pelikula na ito, sinasalamin ang kahirapan sa Pilipinas. Na kahit noong unang panahon, talagang hindi na nawala ang kahirapan. Kasama din ditto ang relihiyon, ang pagiging maka Diyos at relihiyoso ng Pilipino. Ang pagiging devoted natin, na lahat pinaniniwalaan, sinasamba, etc. at napansin ko din sa pelikulang ito, ang pagiging “fanae” natin. Na sa simpleng katauhan ni Elisa, ay masyado na natin pinupuri, hinahangaan, na para bang isang superstar. Ang Himala, ang isa sa mga magagandang pelikula na nagpapakita ng totoong karakter ng bawat Pilipino- buhay, paguugali, paniniwala, relihiyon, at kahirapan.
Hindi na ako nagtaka kung bakit isa ito sa pinakamagandang pelikul, dahil na rin sa pagiging multi awarded nito maging sa loob at labas ng bansa. Sana makagawa muli tayo ng mga de-kalidad na pelikula tulad nito na maipagmamalaki natin sa buong mundo.
1 comments:
i agree. kaso di ko ma-appreciate ang phasing ng story, ang bagal kasi.
Post a Comment